HOROSCOPE | MARSO 6, 2019 (Miyerkules)
- BULGAR

- Mar 6, 2019
- 2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 6, 2019 (Miyerkules): Kung ano ang maganda sa tingin mo, ‘yun ang piliin mo. Ito ang mensahe ng araw na ito ng iyong pagsilang.
ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Kahit wala kang gagawing anuman, ang kapalaran mo ay kikilos para gumanda ang iyong buhay. Kung nagkataong may ginawa kang mabuti, mas lalong gaganda ang buhay mo. Masuwerteng kulay-black. Tips sa lotto-9-11-16-20-23-39.
TAURUS (Apr. 20-May 20) - Para sa iyo ang araw na ito. Anuman ang iniisip mo, balewala ito dahil kusang kikilos ang mga pangyayari na sa huli ay sasabihin mo na sa iyo ang huling halakhak. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-18-20-21-24-30-32.
GEMINI (May 21- June 20) - Pasasayahin ka ng malalapit sa iyo at kapag sumaya ka, magdaratingan sa buhay mo ang magagandang oportunidad kung kailan abot-kamay mo na ang iyong mga pangarap. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-10-19-21-22-24-33.
CANCER (June 21- July 22) - Nasa todong-lakas ang suwerte mo. Makipagsapalaran ka at hindi ka mabibigo. Harapin mo ang mga pagsubok sa iyong buhay at makaaasa ka na ang panalo ay para sa iyo. Masuwerteng kulay-red. Tips sa lotto-7-13-16-24-34-40.
LEO (July 23-Aug. 22) - Kumilos ka nang may tiwala sa sarili. Huwag mong kaliligtaan na nabibigo at napapahamak ang tao kapag wala siyang tiwala sa kanyang sarili. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran ngayon. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-13-17-20-21-24-35.
VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Mahirap kalimutan ang pagkakamali ng kapwa. Mahirap man ito, huwag mo itong kalilimutan dahil ang kundisyon para dumapo ang malaking suwerte sa iyo ay nasa kaluwagan ng iyong kalooban. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-7-10-13-15-33-34.
LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Hindi ka makatutulog at mapapalagay, hindi ito dahil sa mga suliranin mo kundi dahil sa mga bagay na magaganda na iyong mararanasan ngayon at sa darating pang mga araw. Masuwerteng kulay-green. Tips sa lotto-3-12-16-17-31-38.
SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Sumusuko ang langit sa taong mapagpumilit. Ngayong alam mo na ito, maging mapagpumilit ka. Kaya ang payo ay igiit mo pa rin ang mga kagustuhan mo kahit pa mahirapan ka. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-8-10-11-18-20-24.
SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Lumayo ka sa tukso dahil ang tukso ay nakasisira sa buhay mo. Hindi kabilang sa mga tukso ang inspirasyon. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-purple. Tips sa lotto-2-5-11-18-21-27.
CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Huwag kang sumuko! Ang ayaw ng lumaban ay maibibilang sa talunan at ang nagpapatuloy na lumaban ay mapupunta sa mga nagwagi sa buhay. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-17-20-21-29-30-38.
AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Ikaw ngayon ay sobrang nakaaakit. Sa simula, ito ay masuwerteng balita, pero ito rin ay nagbababala na ang mga wala ng karapatan ay sobra ring maaakit sa iyo. Masuwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-6-18-25-27-34-35.
PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Hindi nagsisinungaling ang mahiwagang salamin sa dingding at ang sabi, nakahihigit ka sa karibal mo at ang dagdag na mensahe, huwag kang magalit, sa halip ay dapat kang maawa. Masuwerteng kulay-blue. Tips sa lotto-9-10-13-26-37-44.




Comments