Hirit ng DepEd | KANDIDATO SA GRADUATION, OKS LANG

NILINAW ng Department of Education (DepEd) na hindi naman bawal mag-imbita ng mga pulitiko sa mga graduation ceremony.
Sa isang kalatas, iginiit ng DepEd na hanggat maaari ay dini-discourage lamang nila ang pag- iimbita ng mga kandidato dahil sa panahon ng eleksiyon ngayon.
Isa sa iniiwasan umano ang ma-misinterpret ito bilang endorsement sa isang partikular na kandidato ng mga principal o guro.
Kung hindi naman maiiwasan na mag-imbita ng pulitiko, dapat ay tiyakin umano na hindi nito gagamitin ang pagkakataon para mangampanya.
Bawal ding magdala ang pulitiko o kandidato ng campaign materials o paraphernalias.





Comments