top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Budget Sec. Diokno, bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas, hmmm...

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 6, 2019
2 min read

PAGTATALAGA NI P-DUTERTE KAY DIOKNO SA BSP, SHOCKING!—Na-shock ang publiko nang italaga ni P-Duterte si Budget Secretary Benjamin Diokno bilang bagong governor ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) kapalit ng yuma­ong si ex-BSP Governor Nestor Espe­nilla.

Shocking talaga da­hil ang dapat mamuno sa BSP ay isang taong marangal at walang bahid ng korupsiyon ang pagkatao, pero ang itinalaga ni P-Duterte ay si Diokno na sabit sa “flood control pro­jects” scam, nag-aprub ng budget “pampro­yekto” sa kanyang balae at manugang at nag­singit din umano ng mga kuwestiyunableng budget sa DPWH, buwisit!

◘◘◘

DIOKNO, SIGURA­DONG LULUSOT SA CA DAHIL MAY UTANG NA LOOB SA KANYA ANG MGA PORK BARREL POLITICIAN—Sabi ni Samar Rep. Ben Evardone, Chairman ng House Committee on Banking ay sigurado raw na makalulusot sa Commission on Appointments (CA) si Diokno bilang BSP governor.

Mangyayari talaga ‘yan kasi sa rami ng mga pork barrel politician na may utang na loob kay Diokno, sure na makalulusot ‘yan sa CA, pwe!

◘◘◘

PUSLITAN NG SHABU SA BUREAU OF CUSTOMS AT TRANSAKSIYON NG DROGA SA BI­LIBID—Noong pana­hon ni ex-Commissioner Nicanor Fael­don sa Bureau of Customs, nakapagpuslit umano ang tinaguriang “Davao Group” at mga kontak nilang Chinese drug lords ng P6.4 billion worth ng shabu at ngayong siya (Fael­don) na ang head ng BuCor ay nagawa ng presong drug lord sa bilibid na si Rustico Ygot na utusan ang kanyang nobyang si Jocelyn Encilla na mag-deliver daw sa Cebu ng P190 million worth ng shabu.

Ngayon, dapat pa bang i-memorize kung bakit mas lumala ang drug addiction ngayon sa bansa? Buwisit!

◘◘◘

BENTAHAN NG SHABU SA RAKET NA DROP BALLS AT COLOR GAMES NI ‘KIROS’—Nag­ha­hanap daw nga­yon si “Kiros” ng pag­pu­puwestuhan ng raket niyang drop balls at color games sa Tarlac.

Naku, anong lugar kaya ang mamalasin na paglalagyan ni “Kiros” ng kanyang raket kasi sa bawat lugar daw na pinupuwestuhan niya ng drop balls at color games ay may naga­ganap na bentahan ng shabu, period!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page