Alamin mula kay Señor... KAALAMAN TUNGKOL SA PAGSAPIT NG NEW MOON

Bigyang-daan natin ngayon ang mga lihim na katotohanan tuwing sasapit ang bagong buwan o new moon.
Pagkatapos ng sukdulang laki ng buwan na kung tawagin ay full moon, ito ay papaliit nang papaliit hanggang sa mawala at ang pagkawala ng buwan ay tinatawag na death moon.
Iiral ang banta ng uniberso na nagsasabing “in death there is life.” Ibig sabihin, pagkatapos ng kamatayan ay may buhay na lilitaw. Ito rin ay simpleng nagsasabi na bawat pagtatapos ay isa ring pagsisimula na masasabing “there is rebirth in every end”, ito ay dahilan kung saan hindi naman talaga nagwawakas ang panahon kundi muli itong nagsisimula.
Bukas, March 7 ay magaganap ang new moon na tatawagin ding new beginning o muling pagsisimula.
Maraming paraang ginagawa tuwing ipinagdiriwang ang new moon, pero lilimitahan natin ngayon at ang tatalakayin natin ay ang tungkol sa new moon at negosyo:
Sa new moon, dapat baguhin ang ayos ng mga gamit sa opisina.
Ito rin ang masuwerteng araw para magpasok ng bagong halaman o plant para sa opisina.
Ito rin ang masuwerteng araw para sa pagpapalit ng bagong kurtina.
Pagbili ng tables and chairs at iba pang office supplies.
Ang lahat ng bagong gamit ay dapat na unang gamitin sa new moon.
Ipinapayo rin na bilang pagdiriwang sa new moon, dapat ay may selebrasyon o masayang kainan. Kahit hindi naman bonggang kainan ay puwede na.
Sa makabagong panahon, ang mga may-ari ng negosyo ay abala sa pagpapayaman o hindi na pinahahalagahan ang iba pang mga bagay kundi pawang materyal lang ang importante sa kanila.
Kaya ang masayang pagtanggap sa new moon ay puwede ring maging personal na bagay na ang tao, babae man o lalaki ay pinapayuhan na kung walang selebrasyon sa kanilang opisina ay sa bahay na lang sila kumain ng masasarap kasama ang ilang pamilya o mga kaibigan.
Napakaganda ring isabuhay ang selebrasyon para sa taong nagmamahal o para sa dalawang taong nagmamahalan dahil pinaniniwalaang ang nagmamahalan kapag magkasama sa selebrasyon ng new moon, sila na mismo ang magkakatuluyan.
Ang kanilang pagmamahalan ay mapabibilang sa relasyon na kung tawagin ay “made in heaven”.
Good luck and God bless!




Comments