top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Umawat sa away, mister tinadtad

Maeng Santos
Mar 5, 2019
1 min read

KRITIKAL ang 32-anyos na CCTV technician matapos pagsasaksakin ng kainuman nang umawat sa pagtatalo ng suspek at isa pa nilang kainuman sa Malabon City, kamakalawa ng hapon.

Ginagamot sa Valenzuela Medical Center sanhi ng mga saksak sa katawan si Rannie Garcia, 32, ng Bgy. Potrero habang nahaharap sa kaukulang kaso ang suspek na si Renato Badidles, 58, kapitbahay ng biktima.

Ayon kina SPO1 Alexander dela Cruz, PO3 Roldan Angeles at PO2 Mardelio Osting, alas-3:40 ng hapon, nag-iinuman ang biktima at ang suspek, kasama ang isa pa nilang kapitbahay na si Wilson Alising, 23, sa kanilang compound.

Nagkaroon ng pagtatalo sa pagitan ng suspek at ni Alising matapos hindi umano nagkaintindihan na naging dahilan upang umawat ang biktima.

Nabaling ang galit ng suspek sa biktima at inundayan ito ng saksak sa katawan gamit ang screw driver.

Agad isinugod sa ospital ang biktima habang naaresto naman ng rumespondeng mga tauhan ng Malabon Police Community Precinct 2 ang suspek at narekober din ang screw driver.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page