Shoutout sa mga minahal na ng sakit diyan… 6 NA DAHILAN SA PAGKAKAROON NG SIPON ANG INDIBIDWAL
- Jersey Sanchez
- Mar 5, 2019
- 2 min read

MADALAS na isinisisi natin sa mga taong palagi nating nakasasalumuha ang dahilan ng pagkahawa o pagkakaroon natin ng sipon. Minsan true, pero minsan, tayo rin ang may kasalanan. Hmmm… kaya mga beshy, para maiwasan ang sisihan, narito ang ilang dahilan kung bakit nagkakaroo ng sipon ang indibidwal:
1. YOU'RE A SMOKER. Ayon sa mga eksperto, ang mga kemikal na laman ng sigarilyo ay nakapagpapahina ng immune system. Ito ay dahil nasisira umano ng paninigarilyo ang maliliit na buhok sa respiratory tract na tumutulong upang magtanggal sa mucus na may dalang germs. Upang maiwasan ang paninigarilyo, mabuting hingin ang payo ng iyong doktor para tuluyang mahinto ang habit na ito. Okie?
2. YOUR HYGIENE IS LACKING. Patuloy na kumakalat at dumarami ang viral particles na pumapasok sa katawan ng indibidwal kung hindi sapat ang kanyang hygiene practices, partikular sa tamang paglilinis ng mga kamay. Dahil dito, inirerekomenda ng mga eksperto na sanayin ang sarili na maghugas ng mga kamay bago at pagkatapos kumain, gayundin sa paggawa ng ibang mga aktibidad.
3. YOU'RE STRESSED OUT. Sey ng experts, nakapagpapahina ng kakayahan ng immune system na labanan ang impeksiyon sa pamamagitan ng pagbaba ng bilang ng immune cells. Upang mabawasan ang stress, maganda umanong magkaroon ng stressors tulad ng yoga, meditation at mindfulness techniques. Sa ganitong paraan, siguradong bababa ang inyong stress levels at tataas ang bilang ng inyong immune cells.
4. YOU'RE SLEEP DEPRIVED. Kung isa ka sa mga indibidwal na hindi nakakukuha ng anim hanggang walong oras ng tulog, mas mataas umano ang tsansa na makakuha ka ng iba’t ibang sakit. Ang kakulangan sa tulog ang nagiging dahilan ng mabilis na pagkapagod. Dahil dito, inirerekomenda ng mga eksperto ang pagsasanay na magkaroon ng magandang sleeping habits nang sa gayun ay magkaroon ng sapat na tulog.
5. YOU'RE NOT EATING HEALTHY FOODS. Importante umanong kumonsumo ng masusustansiyang pagkain upang natural na madagdagan ang mga supplement na kailangan ng ating katawan. Halimbawa nito ang mga protein, nourishing soup, salad at green-leafy vegetables na punumpuno ng flu-fighting phytonutrients. Eat healthy na, beshy!
6. YOU'RE SPENDING MORE TIME INDOORS. Ang pamamalagi sa isang lugar, partikular sa loob ng bahay o silid ay maaari umanong maging sanhi ng pagkalat ng germs. Gayundin, kapag mas exposed umano ang indibidwal sa alikabok kapag nanatili ito sa loob ng bahay kung saan ito ang nakapagti-trigger ng allergy.
Oh, ayan, mga beshy, no more sisihan kapag nagkasipon ka dahil ‘ika nga nila, tayo ang responsible sa pangangalaga sa ating kalusugan. Make sure na babaguhin na ninyo ang ilang habits na ito para tuluyan na kayong iwanan ng nakababadtrip na sipon.
Have a healthy lifestyle, beshy!





Comments