top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Mga probinsiya todo-handa na sa El Niño.

  • Gina Pleñago
  • Mar 5, 2019
  • 1 min read

ILANG probinsiya na ang naghahanda sa El Niño sa pamamagitan ng paglagay ng mga water pump at pagsasagawa ng cloud seeding.

Kaugnay nito, limang bayan sa Northern Cotabato at dalawang barangay sa Occidental Mindoro ang nagdeklara na ng state of calamity dahil sa nararamdamang epekto ng El Niño.

Ayon sa pag-aaral ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), inaasahang mas mababa sa normal ang dami ng ulang mahuhulog sa karamihan ng mga rehiyon sa Pilipinas hanggang Hunyo.

Kaugnay nito, inihihirit ang pagkakaroon ng bagong batas na maglalayong magbigay ng solusyon sa mga problemang hatid ng climate change, lalo na sa mga magsasaka.

Ayon kay Jiggy Manicad, ang darating na El Niño ay magiging dagdag na pabigat sa mga magsasaka, lalo na ang mga bumabawi pa lamang sa pinsalang natamo noong nakaraang taon dahil sa mga nagdaang bagyo.

Binigyang-diin na ang mga sakahang may kakulangan na sa pasilidad ay mas lalo pang mapipinsala dahil sa pagbabago sa panahon.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page