Mga pagkaing makatutulong para maiwasan ang dyspepsia at indigestion
- BULGAR
- Mar 5, 2019
- 1 min read
Dear Doc. Shane,
Ano ang dyspepsia? Madalas, hindi ako matunawan at sabi ng hipag ko baka dyspepsia raw ito. Sumasakit ang aking sikmura kapag sinusumpong ako nito, lalo na kapag may kabag ako. Saan ba ito nakukuha? — Regina
Sagot
Ang dyspepsia ay karaniwang tawag sa sakit ng tiyan dahil hindi natunawan. Ang hindi komportableng pakiramdam at sakit sa itaas na bahagi ng tiyan o sikmura ang isa sa pangunahing sintomas nito.
Kadalasang sintomas na nararamdaman ng taong may dyspepsia ay ang pakiramdam na busog kahit na kaunti lamang ang kinain o kinakabagan. Ang mga kinakain at iniinom ang kadalasang dahil sa pagkakaroon ng dyspepsia.
Narito ang mga sanhi ng dyspepsia:
mabilis kumain at marami ang kinakain
pagkain ng matataba at maaanghang
sobrang pag-inom ng inuming may alcohol at caffeine
sobrang pag-inom ng inuming may soda at chocolate
emotional trauma
bato sa apdo
gastritis o pamamaga sa loob ng tiyan
infection na dahilan ng bacteria
sobrang nerbiyos
sobrang katabaan
pancreatitis o pamamaga ng pancreas
peptic ulcer
madalas na paninigarilyo
stomach ulcer
Narito ang ilang sintomas ng dyspepsia:
panghihina
sakit ng tiyan
pakiramdam na palaging busog
kabag
pagbagsak ng timbang at walang ganang kumain
pagsusuka
pagkakaroon ng dugo sa dumi
paninilaw ng balat at mga mata
pananakit ng dibdib
sakit ng dibdib hanggang sa panga at batok
Narito ang mga pagkaing makatutulong para maiwasan ang dyspepsia at indigestion:
Kung nakagawian nang kumain at uminom ng mga nabanggit na maling pagkain at inumin, ngayon ang tamang panahon para baguhin ito.
mga prutas
mga pagkaing may nuts
yogurt
cereals
Comments