top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Lalaking nagpapanggap na nanghaharana, kidnaper pala!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 5, 2019
2 min read

MGA ka-BULGAR, mahilig ba kayong makinig ng mga kanta? Kung oo, para sa inyo ‘to, mga suki dahil gumagala ngayon ang mga nanghaharana, pero mga kidnaper pala.

Nasakote ng kapuli­san ng Quezon City Police District (QCPD) ang 52-anyos na lalaki kung saan may dala itong gitara para mapa­niwala nito na nangha­harana siya sa bahay-bahay sa Kalakhang Maynila, pero ang hindi alam ng mga taong nakakakita sa kanya ay props lamang nito ang dalang gitara at pagkanta.

Muntik nang ma­bik­­ti­ma ang dalawang paslit kung hindi dahil sa pagi­ging mapag­matiyag ng kapitbahay ay nagtagum­pay na sanang kidnapin ang dalawang biktima.

Ang istayl ni alyas Norly Rafael ay pagkan­ta sa bahay-bahay na nagmamasid lang kung may mga bata sa bahay na kanyang tinapatan para haranahin.

Kapag positibong may mabibiktima ang hinayupak na suspek ay may dala pa itong tsoko­late at barya na kanyang ibinibigay para hikaya­ting sumama sa kanya ang biktima.

Dahil sa pakiram­dam at pagmamatiyag ng kapitbahay ay agad itong humingi ng tulong sa kapulisan ng QCPD na agad rumesponde para aksiyunan ang sumbong ng mga magulang ng dalawang paslit sa tulong ng kapitbahay.

Sa himpilan ng QCPD, positibong iti­nu­ro ng mga biktima si alyas Norly Rafael na siyang gustong kidnapin ang mga biktima na agad naman nitong sinabi na talagang kumakanta siya para aliwin lamang ang mga paslit na hindi naman pinaniwalaan ng kapulisan ng QCPD.

Inamin din umano nito na may kasama pa siyang dalawang suspek at may van din sila na naghihintay sa hindi kalayuan sa bahay ng kanilang hinaharana na agad namang nawala matapos mabuking ang kanilang modus.

Oh, mga suki, alam n’yo na ang gagawin ka­pag may mga taong hindi ninyo kilala na tumatapat sa inyong bahay na may dalang gitara at kuma­kanta, kung hindi ito namamalinos, eh, tiyak kidnaper na nagmamasid lang at kung hindi ay akyat-bahay pala.

Ikaw kaibigan, anong sey mo?

Laging tatandaan, walang maloloko kung walang magpapaloko!

Ligtas ang may alam!

Kaya ikaw, ako, tayo… mag-ingat!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page