Kawani todas sa mga armado
- Pabs Hernandez III
- Mar 5, 2019
- 1 min read
BUKIDNON—Isang kawani ng lokal na pamahalaan ang pinagbabaril hanggang sa mapatay ng mga hindi kilalang armadong salarin, kamakalawa sa Bgy. Kuya, Maramag sa lalawigang ito.
Ang biktima ay nakilalang si Roland Lacson, kawani ng Bukidnon Capitol at residente sa nasabing barangay.
Ayon sa ulat, nakasakay sa multicab si Lacson nang pagbabarilin ng mga suspek na nakasakay sa SUV.
Nagsasagawa na ng imbestigasyon ang pulisya para mabatid ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.





Comments