top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Ipina-bloter sa pagnanakaw | LALAKI NANG-AGAW NG BARIL SA PRESINTO, UTAS

  • Mylene Alfonso
  • Mar 5, 2019
  • 1 min read

DEDBOL ang isang lalaki na suspek sa kasong pagnanakaw matapos umanong mang-agaw ng baril ng pulis kahapon ng madaling-araw sa loob ng Sibama Police Community Precinct (PCP) na nasa panulukan ng Maceda at Simoun Sts., Sampaloc, Manila.

Kinilala ang nasawi na si Brando Badid, ng Pier 15, Port Area, Manila.

Batay sa ulat ni PS/Sgt. Joel Jazareno, alas-1:34 ng madaling-araw nang dalhin ng mga tanod ng Bgy. 492 si Badid dahil sa kasong pagnanakaw.

Nabatid na nasa loob na ng PCP at ibina-blotter ang pagdala kay Badid nang bigla nitong agawin ang baril ni Patrolman Rolando Foronda, Jr.

Habang nakikipag-agawan si Foronda, nagawa umano ng suspek na makalabit ang gatilyo ng dalawang beses pero, hindi tinamaan ang pulis.

Hanggang sa makalabit nitong muli at tinamaan na ang suspek sa kanang bahagi ng kanyang mukha.

Naisugod pa ang suspek sa Ospital ng Sampaloc pero, idineklarang dead-on-arrival.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page