top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

GENTLEMAN JIM, BOY PARADISE AT THY WILL, PANOLO ANG WTA

Green Lantern
Mar 5, 2019
2 min read

RENDA at LATIGO

PITONG karera ang bibitawan ngayong gabi sa Metro Manila Turf Club Inc.(MMTCI) at magiging pahirapan ang laban ng ba­wat kalahok sa pag-alagwa ng Additional One Win in Group Races sa Malvar, Batangas.

Maghaharap ang limang Condition Race 17 at 21 at Group Race 8 at Group Race 11 na mag-uumpisa ng da­kong 6:30 ng gabi.

Magsisimula ang Win­ner Take All(WTA) sa Race 1,sa pagtikada ng Condition Race (21) na paglalabanan ng siyam na kabayo kabi­lang ang tatlong couple entry at pinapaboran ang Couple entry number 3 (She Can Dance/Hold Me Tight Baby) at Barangka.

Sa mga kalaban may panalo ang Entry Number 5 (Born Unto Battle/Purging Line) at Red Lion. Aalagwa sa Race 2,kasabay ng Pick 6 event, na pinapaboran ang Tontoneeto habang ang Avenue Shopper ay tatalon at isama ang Couple entry No.2(Sparmate at TallDark NHandsome) kung nais n’yo ng dehado.

Sa race 3, kung saan magsisimula ang Pick 5 event at pinapaboran ang Gentleman Jim habang ang El Mundo ang posibleng tumalo. Sa simula ng Pick 4 event sa Race 4 pinipili ang couple entry No.1 (Wild Talk/ Blue Orchid) at Su­perlative.

Nakalalamang ang Boy Paradise habang ang Sum­mer Cruise ay inaasahang kalabang mahigpit at mag­bibigay ng magandang la­ban ang Couple Enrty No.1(Charger/ Superalsa Race 5.

Pinapaboran ang entry No. 2 (Sense of Rhythm/ Magaskawee laban sa Yos­hiko sa Race 6.

Magi­ging paratingan ang Thy Will at Within Reach, sa Condition Race 19 sa Race 7.

Tip ni Mang Ding Race 1- Barangka (2) Entry No.3 Race 2-Tontoneeto (4) Avenue Shopper (7) Race 3- Gentleman Jim (6) El Mun­do (2) Race 4- Entry No.1 Superlative (4) Rana­gant (3) Race 5- Boy Pa­radise (3) Summer Cruise (2) Race 6- Entry No. 2 Ypshiko (8) Race 7-Thy Will (1) Within Reach (7).

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page