top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Dahil sa banta ng teroristang grupo; ilang negosyante, ayaw ng mamuhunan sa bansa

  • Ryan B. Sison
  • Mar 5, 2019
  • 1 min read

SA campaign rally ng Partido De­mok­ratiko Pilipino-Lakas ng Bayan o PDP-LABAN na ginanap sa Zamboanga City kung saan nagtalumpati si Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi nito na hindi magiging produktibo ang bansa hangga’t may banta ang mga teroristang grupo.

Sa katunayan, sa talumpati ng pa­ngulo, sinabi nito na kailanman ay hindi sila magkakaintindihan ng ASG at ka­hit sa panaginip ay hindi niya naiisip ang kanyang sarili na nakikipag-usap sa mga ito.

Ito ay dahil hindi maaatim ng pangulo ang ginagawang kaliwa’t kanang pagpa­tay ng ASG sa kapwa, lalo na ang pagpu­got sa mga bihag kabilang ang mga dayuhan at iba pa.

Wala na aniyang ideolohiya ang ASG at wala nang ibang layunin kundi ang pumatay.

Gayunman, dahil sa mga pagbaban­tang ito, ilang negosyante ang nawawa­lan na ng gana na mamuhunan sa bansa.

Kaya naman, kahit hindi natin masa­sabi kung kailan titigil ang Abu Sayyaf sa panggugulo, hiling natin na tumigil na sila para sa inaasam nating pagba­bago.

Dagdag pa rito, kung mawawala ang mga negosyanteng mamumuhunan sa Pilipinas, mas lalo tayong mahihirapan ka­sabay ng mga suliraning ating pinag­daraan na hanggang ngayon ay hindi pa rin natin masolusyunan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page