Comelec, mino-monitor ang campaign propaganda sa socmed, daig pa ang pumapana ng bituin sa kalawakan

BUMAGSAK ang isang training plane sa Talavera, Nueva Ecija.
Ligtas ang piloto at student pilot.
‘Yan ang totoong buwenas!
◘◘◘
TINIRA ulit ni P-Digong ang Simbahang-Katolika.
Siya ang bagong ‘Crisostomo Ibarra’!
◘◘◘
TATAAS ang presyo ng gasolina.
Nakikiramay tayo sa mga motorista!
◘◘◘
WALA raw dapat ikatakot sa rice imporation.
Wala namang natatakot, pero marami ang natatakam sa korupsiyon!
◘◘◘
INAMIN ni Maine Mendoza na nakikipag-date siya kay Arjo Atayde.
Hintayin na lang natin ang binyagan!
◘◘◘
NAKAPAGPADALA na naman ang NASA ng panibagong spaceship sa Mars.
As usual, hindi sila natrapik!
◘◘◘
SOBRANG init na naman ng panahon.
Maraming aso ang nauulol.
Mas mabuti ‘yan kaysa tao ang mabaliw!
◘◘◘
HINAHANAPAN ng diploma si Gov. Imee.
Bakit nag-a-apply ba siya sa BPO?
◘◘◘
BIGO ang Comelec na mabaklas ang mga illegal campaign poster.
Kailangan nila ang tulong ni Darna!
◘◘◘
MINO-MONITOR ng Comelec ang campaign propaganda sa social media.
Daig pa nila ang pumapana ng bituin sa kalawakan!





Comments