top of page

Shoutout sa mga athlete riyan, read n’yo ‘to! MASAMANG EPEKTO NG ENERGY DRINKS, ALAMIN!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 4, 2019
  • 2 min read

No Problem

KARAMIHAN sa atin ay ginawa nang maintenance ang pag-inom ng energy drink. ‘Yung tipong bago pumasok o sumabak sa trabaho, eh, hindi puwedeng hindi uminom ng isang bote nito o kung minsan pa, eh, dalawa. Tsk, tsk, tsk! Mga bro at sis, bukod sa umano’y pagbu-boost nito ng ating enerhiya, knows ba ninyo na may masama itong epekto sa ating katawan? Kung hindi pa, mga beshy, narito at alamin:

1. CAN CAUSE DEHYDRATION. Ayon sa mga eksperto, ang main source ng energy sa lahat ng uri ng energy drink ay caffeine. Ang caffeine ay mayroon umanong diuretic effect kung saan tumataas ang urine production na posibleng maging sanhi ng dehydration. Gayunman, 16 oz ng energy drink ay mayroong 160 mg caffeine habang ang 8.4 oz nito ay may 80 mg caffeine. Samantala, anang mga eksperto, hindi dapat lumagpas sa 400mg ang caffeine na mai-intake ng indibidwal kada araw.

2. INCREASES HEART RATE. Ayon sa mga pag-aaral, ang pangunahing sanhi ng cardiac arrest sa mga kabataan, partikular sa edad 15 hanggang 18 ay ang labis na pagkonsumo ng energy drink. Bagama’t, wala umanong history ng sakit sa puso ang mga ito, ang mataas na caffeine content ng nasabing uri ng inumin ang nagti-trigger sa mga kondisyon, partikular sa puso.

3. DAMAGES TEETH. Ang mga energy drink ay naglalaman umano ng citric acid kung saan ito ay nakasisira sa mga ngipin. Ayon sa mga eksperto, ang mga energy drink ay mayroong mataas na level ng acidity na may kakayahang magtunaw ng enamel sa mga ngipin. Maliban pa rito, kung manipis na ang enamel, nagiging yellowish umano ang mga ngipin at mas madali nang kakapitan ang mga ito ng iba pang uri ng stain. Hala!

4. DOESN’T REALLY GIVE YOU ENERGY. Ang pangunahing sangkap ng energy drink ay taurine, L-carnitine at glucuronolactone kung saan ang mga ito ay hindi nakabu-boost ng energy. Ayon sa mga eksperto, ang taurine at L-carnitine ay amino acids na may kaugnayan sa ener­gy metabolism na mayroon ang muscle organ tissue. Ang energy na mula sa inumin ay nagmumula umano sa mataas na sugar at caffeine content nito.

5. CAUSES HEADACHES & MOOD SWINGS. Kabilang din sa sangkap ng energy drink ang guarana kung saan ito ay isang uri ng halaman. Sey ng experts, ang guarana ay may mataas na level ng caffeine. Gayundin, nai-stimulate nito ang central nervous system kaya nagiging dahilan ito ng energy boost, mental clarity at kawalan ng gana sa pagkain. Hindi umano ito ligtas sa side effect ng energy drink tulad ng insomnia, sakit ng ulo, nervousness at mood swings.

Ayon sa mga eksperto, hindi masamang uminom ng energy drink, basta huwag itong inumin nang madalas. May iba pang mga paraan upang ma-boost ang iyong energy tulad ng pagtulog ng anim hanggang walong oras, pag-iwas sa paninigaril­yo at pag-inom ng alak, gayundin ang pagkain ng tamang dami ng pagkain.

Oh, mga bro at sis, alam n’yo na ha? Stay healthy and happy.

Copy?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page