top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

Sakto ngayong bakasyon, parents! MGA BATA NA LUMAKI SA PROBINSIYA, MAS NAKAIIWAS SA PAGKAKAROON NG S

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 4, 2019
  • 2 min read

MARAMING mga magulang na pinipiling palakihin ang kanilang mga anak sa siyudad da­hil halos naroon na ang kanilang mga pangangailangan. Pero, mga mamsh, knows ba ninyo na kering makaiwas ni bagets sa mental ill­ness kapag lumaki siya sa ‘green space’ o probinsiya? Wow!

Ayon sa pag-aaral, ang paglaki ng bata sa bukid o probinsiya ay maaari uma­nong makatulong upang maprotektahan ang ka­nilang mental health sa kanilang pagtanda.

Ayon sa mga resear­cher, ang mga kabataang lumaki sa ‘green spaces’ ay may 55% tsansa na ma­kaiwas sa pagkakaroon ng mental health disorder.

Ito ay dahil nakatutu­long umano ang green spaces upang magkaroon ng socia­ble communities at nakae-encourage ng indibidwal para mag-ehersisyo.

Dahil dito, gumaganda ang cognitive development ng kabataan kung saan ito ay may positibong kaug­na­yan sa kanilang mental health.

Samantala, ayon sa World Health Organiza­tion (WHO), higit 400 mil­lion katao ang dumaranas ng mental health disorder sa buong mundo.

Para isagawa ang pag-aaral, gumamit ng satellite ang mga researcher mula sa mga data na nakolekta noong 1985 hanggang 2013 upang ma-evaluate ang green space na may­roon ang mga bata sa na­sabing mga taon.

Pagkatapos nito, ang mga datos ay ikinumpara sa panganib na magka­roon ng isa sa 16 na uri ng mental dis­­order tulad ng schizo­phrenia, anorexia at depres­sion ang mga ka­bataan.

Lumabas sa resulta na ang mga batang lumaking napaliligiran ng green space ay may mababang tsansa na magkaroon ng mental health disorder.

Base sa datos na gina­mit ng mga researcher, buma­baba ang tsansa na maka-develop ng mental health disorder ang indi­bidwal ka­pag na-exposed ito sa green space, mula pagkapanganak hanggang sampung taong gulang.

Gayundin, ang expo­sure umano sa natural na kapali­giran ay mayroong malaki at positibong ka­ugnayan sa kalusugan, parti­kular sa men­tal health.

Gayunman, ang ingay, polusyon sa hangin at socio­-economic condition ay kabi­lang sa mga nagti­trigger ng mental illness.

Wow! Malaki rin pala ang naitutulong ng kinala­ki­hang kapaligiran sa psy­cho­logical well-being ng indi­bidwal.

Kaya mga mamsh, alam n‘yo na, ha? Kung dehins n’yo kering mani­rahan sa probinsiya, make sure na ma­kapupunta kayo ru’n kahit isang beses sa isang buwan.

Gets mo?

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page