Pagkatapos payagang dumalo sa libing ng apo | DATING LIDER, BALIK-KULUNGAN
BALIK-KULUNGAN ang dating pangulo ng Brazil na si Luiz Inacio Lula da Silva matapos payagan ng korte na dumalo ito sa libing ng kanyang apo na pumanaw sa edad 7.
Una rito, pansamantalang nakalabas sa kulungan sa Curitiba, ang dating lider at agad na lumipad sakay ng eroplano patungo sa Sao Paulo.
Gayunman, sumalubong sa kanya ang ilang tagasuporta sa Sao Bernardo do Campo Cemetery.
Samantala, ang kanyang apo na si Arthur Araujo Lula da Silva ay namatay dahil sa sakit na meningitis.
Pagkatapos ng libing, kumaway ito at nakipagkamay sa kanyang mga tagasuporta bago bumalik sa kulungan.





Comments