top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

DUWELO NINA BIADO AT ORCULLO, ABANGAN

Eddie M. Paez, Jr
Mar 4, 2019
1 min read

ISANG umaatikabong duwelo nina Dennis “Ro­bocop” Orcullo at Carlo “The Black Tiger” Biado ang masasaksihan sa Marso 15 hanggang 17 sa palaruan ng Hustler sa Quezon City.

Itinuturing sina Orcullo at Biado na pinakamalupit na manlalaro ng bilyar sa bansa.

Si Orcullo ay puma­nga­lawa sa AZBilliards 2018 Moneyboard habang si Biado ay nasa pangatlong puwesto sa World Pool Bil­liards Association (WPA) Rankings. Si Biado rin ang puma­nga­lawa sa nakaraang World 9-Ball Champion­ships sa Qa­tar.

Sa Fargo Ra­tings, si Or­cullo ay nakasa­lampak sa pang-anim na baytang ha­bang si Biado ay nakabuntot sa pag-upo nito sa pang­walong posisyon.

Halagang $40,000 ang nakataya sa malupit na face-off na magsisilbi ring ma­gan­dang paghahanda ng dalawa sa 2019 World 10-Ball Championships na ga­ganapin sa US.

Samantala, sasargo ang isang bilyaristang Pinoy sa kakaibang salpukan ng cue artists sa torneong naglala­yong mapabilang ang lara­ngan ng pool sports sa 2024 Paris Summer Olympics.

Kabilang si Johann Chua bilang parte ng koponan ng Asya na sasabak sa World Team Trophy - Billiards (Ca­rom, Pool, Snooker) na ma­sasaksihan ngayong Marso 11-12, 2019 sa Roissy, France.

Ang bilyaristang Pinoy ay dalawang beses nang naghari sa All Japan Bil­liards at isang bronze me­da­list sa AIMAG.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page