Misis nakaaway | MISTER NAGBARIL SA ULO
- Madel Moratillo
- Mar 4, 2019
- 1 min read

ISANG lalaki ang nagbaril sa ulo matapos makaalitan ang kanyang live-in partner sa Binangonan, Rizal.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Binangonan Municipal Police, batay sa kuwento ng ina ng biktima, nag-away umano ang kanyang anak na si Vincent Manzano at live-in partner nito.
Pagsilip niya sa kuwarto ay nakita umano niya ang biktima na tinutukan ng baril ang ulo. Kaya agad niyang pinalabas sa kuwarto ang live-in partner ng biktima para bigyan ng pagkakataong makapag-isip ang kanyang anak.
Gayunman, paglabas nila ng kuwarto ay isang putok ng baril ang kanilang narinig.
Pagbalik sa kuwarto ay nakita na nilang nakahandusay sa kama ang biktima na may tama ng bala at umaagos ang dugo.
Agad namang isinugod sa Lakeview Hospital ang biktima upang malapatan ng lunas.





Comments