top of page
Pokwang.jpg

Laborer tigok sa holdap

Pabs Hernandez III
Mar 4, 2019
1 min read

CAMARINES SUR—Isang laborer ang namatay at sugatan naman ang foreman nang barilin sila ng dalawang hindi kilalang holdaper, kamakalawa sa Bgy. San Felipe, Naga City sa lalawigang ito.

Kinilala ang nasawi na si Aldrin Pida, residente ng nasabing lalawigan, samantalang, ang sugatan ay si Gelito Canoog, tubong Cebu City.

Ayon sa ulat, lulan ng motorsiklo sina Pida at Canoog nang sumulpot ang dalawang holdaper at agad pinagbabaril ang dalawang biktima at saka tinangay ang bag ng foreman na naglalaman ng P100, 000 cash.

Nagpalabas na ng manhunt operation ang mga awtoridad para madakip ang mga suspek.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page