Ilocos norte nilindol

DALAWANG beses na nilindol ang Ilocos Norte, Linggo ng madaling-araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-3:46 ng madaling- araw nang unang maitala ang Magnitude 5.3 na pagyanig na natunton ang epicenter sa layong 52 kilometro ng hilagang kanluran ng Burgos.
Naitala ang Intensity V sa Burgos, Ilocos Norte; Intensity IV sa Dingras, Paoay, Bacarra, San Nicolas, Pasuquin at Laoag City sa Ilocos Norte; Sinait, at Cabugao sa Ilocos Sur.
Intensity III naman ang naramdaman sa Badoc, Ilocos Norte; Santa, Sta. Catalina, Bantay, Magsingal, San Ildefonso at Santo Domingo, Ilocos Sur habang Intensity II sa Aparri, Cagayan; Caoayan, Sta. Lucia, Sugpon, Gregorio del Pilar, Ilocos Sur.
Kung pagbabatayan ang Instrumental Intensities, naitala ang Intensity IV sa Pasuquin, Ilocos Norte at Intensity III- Vigan City; Sinait, Ilocos Sur; Gonzaga, Cagayan.
Alas-3:49 ng madaling-araw nang maitala ang ikalawang lindol na may Magnitude 4.3 sa layong 54 kilometro sa hilaga ng Burgos.
Tectonic ang origin ng nasabing mga lindol.





Comments