top of page
Pokwang.jpg

Handbook na dagdag-proteksiyon sa OFWs, aprub!

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2019
1 min read

PIRMADO na ang panukalang-batas na Handbook for OFWs.

Layunin nitong pagkalooban ng handbook ang mga overseas Filipino worker (OFW) na naglalaman ng kanilang mga karapatan at benepisyo.

Pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act No. 11227 o “Handbook for OFWs Act of 2018” noong Pebrero 22 na inilabas nitong Sabado.

Inamyendahan ng bagong batas ang Republic Act No. 8042 o “Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995”.

Kabilang sa mga nakasaad sa batas ang impormasyon sa kundisyon ng pagtatrabaho at pamumuhay sa bansa na kanilang pupuntahan.

Samantala, ang mga ahensiya ng gobyerno na may mandatong ipatupad ang nasabing batas ay ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA), Department of Labor and Employment (DOLE), Overseas Workers Welfare Administration (OWWA), Department of Foreign Affairs (DFA), Inter-Agency Council Against Trafficking (IACAT), Commission on Filipinos Overseas (CFO) at Maritime Industry Authority (MARINA).

Kaugnay nito, ang pondo para sa patuloy na publication, distribution at update ng OFW Handbook ay kukunin sa POEA.

Malaking tulong ito para magkaroon ng sapat na kaalaman ang lahat ng nakikipagsapalaran sa malayo. Hindi na sila malalagay sa alanganin dahil may tiyak nang proteksiyon para sa kanila.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page