top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

Ex-DOH Sec. Garin, kung hindi nanulot ng puwesto, wala sana siyang kaso, karma?!

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 4, 2019
  • 2 min read

KAPAG NAGING SENADOR SI GEN. ‘BATO’, BITAY ANG AABUTIN NG MGA DRUG LORD AT NARCO-POLITICIAN—Sa mga campaign caravan ng PDP-Laban at Hugpong ng Pagbabago (HNP), ang bukambibig ni ex-PNP Chief Gen. Ronald “Bato” dela Rosa ay dapat bitayin daw ang mga mapatutunayang sangkot sa droga.

Kaya kapag naging senador si Gen. “Bato”, siguradong bitay ang aabutin ng mga drug lord at narco-politician, he-he-he, abangan

◘◘◘

OPOSISYON AT ANTI-DUTERTE MEDIA, SUPALPAL SA INFORMATION CAMPAIGN NG PCOO—Malaki ang naitulong ng information campaign sa Europe at United Nations (UN) nina PCOO Usec. Lorraine Badoy, Philippine Information Agency (PIA) Director General Harold Clavite at Presidential Task Force on Media Security (PTFOMS) Director Usec. Joel Egco upang malaman ng ibang bansa na walang ginagawang pagsikil sa kalayaan sa pamamahayag sa Pilipinas ang Duterte gov’t.

Dahil d’yan, supalpal ang inabot ng oposisyon at anti-Duterte media organizations na nagngangangawa sa international media na wala nang kalayaan ang pamamahayag sa Pilipinas.

Para sa tropa ni PCOO Sec. Martin Andanar, palakpakan naman d’yan!

◘◘◘

KUNG HINDI NANULOT SI EX-DOH SEC. GARIN, WALA SANA SIYANG KASO NGAYON—Tinuluyan ng DOJ na sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide si ex-DOH Sec. Janette Garin kaugnay sa walong batang namatay dulot ng palpak na Dengvaxia.

‘Yan ang napala ng pagsulot ni Garin sa puwesto noon ni ex-DOH Sec. Enrique Ona, kung hindi niya inambisyong maging DOH secretary, wala sana siyang kaso ngayon, period!

◘◘◘

RAKET NI ‘VICE TEBES’ SA BUREAU OF CUSTOMS, TULOY PA RIN—Tuloy pa rin daw ang raket na sugalan at “ukay-ukay” smuggling ni “Vice Tebes” sa Bureau of Customs.

‘Yan ba ang sinasabi ni Commissioner Rey Leonardo “Jagger” Guerrero na wala ng smuggling sa Adwana, eh, hindi naman pala naglulubay sa kanyang raket na smuggling si “Vice Tebes”, pwe!

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page