top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Dahil sa kakulangan ng construction workers sa bansa, P900 minimum wage para sa kanila, isinusulong!

Ryan B. Sison
Mar 4, 2019
1 min read

NANAWAGAN ang partylist group na ACTS-OFW na gawing P900 ang mi­ni­mum wage ng mga construction wor­ker sa bansa.

Kasunod ito ng kakulangan umano sa mga construction worker sa kasaluku­yan dahil sa pagtatrabaho nila sa ab­road.

Ayon kay ACTS-OFW Rep. Aniceto Bertiz II, ang mga employer mula sa ibang bansa ay nagbabayad ng sampung beses na mas malaki sa P537 minimum wage sa Metro Manila.

Kabilang sa mga bansang ito ang New Zealand kung saan nagba­bayad umano sila ng P5, 300 kada araw para sa kani­lang mga construction wor­ker.

Gayunman, kung ganito ang magi­ging suweldo ng mga ito, naniniwala ang mga mambabatas na maiiwasan na ang paglayo nila sa kanilang mga pamilya na maaaring magkaroon ng masamang epekto para sa kanila

Samantala, kung maipatutupad man ang nasabing umento, paniguradong marami ang magrereklamo tulad ng mga nurse, teacher at iba pa.

Dagdag pa rito, kung ‘yung dagdag na P25 sa minimum wage ay natagalan pa bago maipatupad, posibleng ganito rin ang mangyayari sa kahilingang ito.

Pero, para sa mas asensado at ma­gandang sahod sa mga manggagawa sa ating bansa, huwag tayong mawalan ng pag-asa dahil makaaahon din tayo sa kahirapan.

Para sa inyong opinyon, sumbong, hinaing o nais hinging tulong ito ang pagkakataong marinig ang inyong boses, sumulat lamang sa BOSES ni RYAN SISON at ipadala sa Bulgar Bldg. 538 Quezon Avenue, Quezon City o mag-email sa boses.bulgar@gmail.com.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page