Ate tinaga sa ulo ng kapatid
- Levi Gonzales
- Mar 4, 2019
- 1 min read

NASA kritikal na kalagayan ang isang 27-anyos na babae matapos tagain sa ulo ng nakababatang kapatid sa Bgy. Comon, Infanta, Quezon.
Alas-8:20 ng gabi habang naghuhugas ng pinagkainan ang biktimang si Angelica Miranda, walang asawa, nang dumating ang lasing na suspek na si Christopher Miranda, 21, walang asawa.
Kinompronta umano nito ang biktima kung saan nagkaroon ng pagtatalo.
Ilang saglit umano nang bigla siyang tagain ng dalawang beses sa ulo saka tumakas.
Dali-daling isinugod sa pagamutan ang biktima habang naaresto ang suspek.





Comments