Akala pinto ng CR, nahulog mula 3rd flr. | ARKITEKTO TODAS SA ELEVATOR SHAFT

PATAY ang 37-anyos na arkitekto makaraang mahulog sa “elevator shaft” nang pumasok ito sa pintuan na napagkamalan umanong palikuran sa parking building sa Araneta Center, Bgy. Socorro, Cubao, Quezon City.
Kinilala ang nasawi na si Michael Alfonso, kustomer ng isang fitness gym na matatagpuan sa ikatlong palapag ng Cyberpark 1 Building.
Ayon sa nakasaksi ng pangyayari na si Gerald Mondia, bandang alas-9:00 ng gabi habang nasa 3rd floor ang biktima ay pumasok ito sa elevator high zone emergency door na katulad ng ordinaryong pinto ng palikuran.
Maaaring inakala umano ni Alfonso na pintuan ito ng comfort room dahil walang safety warning signs ang pinasok nito at dire-diretso siyang nahulog.
Alas-10:40 ng gabi nang mahugot mula sa elevator duct si Alfonso na isinugod sa ospital ngunit, makalipas ang ilang oras ay namatay din.
Patuloy nang iniimbestigahan ng pulisya ang insidente.





Comments