top of page
SPECIAL ARTICLE - “MUNTIK NA AKONG MAMATAY KAYA DESERVE KO ‘TO!” - HEART-IG _iamhearte.jpg

2 huli sa aktong nag-aabutan ng shabu

  • Maeng Santos
  • Mar 4, 2019
  • 1 min read

KALABOSO ang isang pedicab driver at vendor matapos mahuli sa akto ng mga pulis na nag-aabutan ng iligal na droga sa Navotas City, kahapon.

Kinilala ni Navotas Maritime Police Station P/Supt. Virgil Ranes ang mga na­arestong suspek na sina Raffy Gulane, 38, ng Tonsuya, Malabon at Mark Asaje, 34, ng Yangco St., Navotas East.

Ayon kay SPO2 Ernesto Ravanera, Jr., ala-1:15 ng hapon, nagsasagawa ng foot patrol sa Palengke St., Bgy. NBBN ang mga tauhan ng Navotas Maritime Police na sina PO1 Ariel Bustillo at PO1 John Jeffrey Tristan kasama ang security guard ng PFDA.

Napansin ng mga pulis ang isang lalaki na may iniabot na sachet na naglalaman ng hinihi­nalang shabu sa isa pang lalaki kaya nilapitan ng mga ito at inaresto ang mga suspek.

Nang kapkapan, nakumpiska sa mga suspek ang dalawang sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu at P200 cash.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page