Tumatakbong konsehal | RETIRED JAIL OFFICER TINODAS

PATAY matapos pagbabarilin ang retiradong opisyal ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) sa hindi kalayuan sa bahay nito sa Talibon, Bohol.
Kinilala ni Police Corporal Henry Estillore, ang biktima na si Bartolome Avenido, 43, residente ng Bgy. San Jose. Si Avenido ay kandidato sa pagkakonsehal sa Talibon.
Ala-1:00 ng hapon habang bumibiyahe lulan ng kanyang motorsiklo si Avenido nang tambangan ng riding-in tandem, may 500 metro ang layo mula sa kanyang bahay.
Sinasabing galing sa eskuwelahan ang biktima na dumalo sa isang pagtitipon.
Isinugod pa sa Garcia Memorial Provincial Hospital si Avenido ngunit, hindi na rin ito nailigtas.
Patuloy nang sinisiyasat ang motibo at nasa likod ng krimen.





Comments