top of page
Machong Chismisan - YT.jpg

Nene ni-rape ng kalugar

Levi Gonzales
Mar 3, 2019
1 min read

KALABOSO ang isang lalaki makaraan nitong gahasain ang menor-de-edad na kapitbahay sa Bgy. Bulo, Buenavista, Quezon.

Alas-7:30 ng gabi, naglalakad ang biktimang si alyas Shane at papunta sa kanyang tiyahin nang harangin ng suspek na si alyas Domeng.

Agad umano siyang kinaladkad papunta sa kubo at doon hinalay.

Binantaan pa siya ng suspek bago lumayo sa lugar.

Agad siyang nagsumbong sa ina at humingi ng tulong sa pulisya kaya naaresto ang suspek.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page