top of page
Pokwang.jpg

Naguguluhan dahil biglang iniwan ng Gf

ROMA AMOR
Mar 3, 2019
1 min read

Dear Roma, Ako si Mico, 25 years old. Gusto kong humingi ng payo dahil naguguluhan talaga ako mula nu’ng iniwan ako ni Aica, ex-GF ko. Magdadalawang buwan pa lang mula nu’ng sinagot niya ako at naging kami. Wala akong nakikitang mali sa relasyon namin, kaya hindi ko talaga alam kung ano ang dahilan kung bakit bigla niya akong iniwan, sabi niya, makakikita rin daw ako ng babaeng deserve ko. Sana ay mapayuhan ninyo ako. Thank you! —Mico

Mico, Naku, bro, kahit kami, eh, naguguluhan din sa nangyari sa inyo ng ex mo. Kung hanggang ngayon ay hindi ka mapakali dahil gusto mo ng paliwanag niya, mabuting kausapin mo siya nang personal. Kung hindi pa siya handang harapin ka, oks lang ‘yun dahil darating din ang panahon na handa ka na niyang harapin at kausapin. Sana, makatulong ang payo namin sa iyo. Good luck!

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page