top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Matapos magbanta na maghihiganti | US NAG-ALOK NG P517-M PABUYA SA MAGTUTURO SA ANAK NI OSAMA BIN L

  • Jersey Sanchez
  • Mar 3, 2019
  • 1 min read

NAG-ALOK ng $1 million o P517-M ang US State Department para sa makapagtuturo sa anak ni Osama bin Laden na si Hamza bin Laden.

Ayon sa US State Department, hinuhubog na maging lider ng Al-Qaeda si Hamza.

Gayunman, naglabas umano ito ng audio at video messages sa internet na nananawagan sa kanyang mga tagasunod na maglunsad ng mga pag-atake laban sa Estados Unidos at mga kaalyado nitong bansa, gayundin na nagbanta ito na maghihiganti sa US sa pagkakapatay sa kanyang ama ng US military forces noong May 2011.

Matatandaang, napatay ng US Navy SEALs si Osama sa Pakistan noong 2011.

Ayon pa sa State Department, batay sa mga gamit na nakumpiska sa pinagtataguang lugar ni Osama sa Pakistan, sinasanay nito si Hamza para maging kapalit niya sa pamumuno sa Al-Qaeda.

Bukod pa rito, si Hamza ay napag-alamang kasal sa anak ni Mohammed Atta, ang lead hijacker noong September 2001 center attacks.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page