top of page
FRANKLY - LEA, TODO-BILIB NA WINNER PA RIN ANG FORGOTTEN ISLAND KAHIT NAG-FLOP _IG _msleas

‘Killer online game’ strikes again | UTOS SA GRADE 9: ‘KIDNAP ME’ O SUICIDE

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 4, 2019
1 min read

ISANG 15-anyos ang pinakabagong biktima ng ‘Momo Challenge’ sa IloiloCity.

Sa panayam sa Grade 9 na biktima, sinabi nitong na-download niya ang Momo app at dito siya inutusan ng kausap na pumunta sa isang malayong bayan at kapag umuwi ay magpanggap na hihimatayin.

Inutusan din umano siya na burahin ang conversation history. Ayon sa ina ng biktima, tinakot ang kanyang anak na kung hindi gagawin ang challenge ay mas mabuti na lamang na mag-suicide ito.

Ginawa naman ng biktima ang utos na ‘kidnap me’ dahil sa takot.

Pinalabas nito na nakatakas siya mula samga armadong lalaki na kumidnap sa kanya at sa iba pang bata.

Ini-report naman ng nanay at tiyahin ng biktima sa pulisya ang insidente, gayunman, ilang oras matapos ang paghahanap ng pulisya sa lugar na sinasabing pinagdalhan sa kanila ay umamin naman ang biktima na bahagi lamang ito ng Momo Challenge.

Sa pahayag ni San Miguel Police Chief C/Insp. JojoTabaloc, sa una pa lamang ay naramdaman niya nang hindi totoo ang kuwento ng binatilyo ngunit, trabaho pa rin umano niyang alamin ito. (BRT)

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page