Kaya humiwalay na sa manager… EDGAR, AYAW NANG MAGING BADING

Nitz Miralles / BIDA

Dahil sinabi ni Edgar Allan Guzman na maganda ang paghihiwalay nila ng former manager niyang si Noel Ferrer sa nag-interview sa kanya sa presscon ng Dragon Lady, hindi na natanong ang aktor kung totoong isa sa mga rason sa paghihiwalay nila ni Noel ay ang pagtanggi niyang gawin ang pelikulang Venus.
Umiiwas daw muna kasi si Edgar na gumanap sa becki role, eh, sa Venus, transgender ang papel niya, so, kahit maganda ang project, tinanggihan niya muna. Si Gabby Eigenmann ang pumalit kay Edgar sa role.
Sabi naman ni Edgar, masaya siya sa role niya sa Dragon Lady bilang si Goldwyn Chen, a business tycoon na hindi kasundo si Celestina Sanchez (Janine Gutierrez). First project ito ni Edgar mula nang pumirma ng co-management contract sa GMA Artist Center with his new manager na si Arnold Vegafria.
Challenge sa kanya ang mag-aral magsalita ng Chinese para sa tamang accent at maging kontrabida kay Janine, gayundin ang maging third party kina Janine at Tom Rodriguez. For his next projects sa GMA-7, gusto ni Edgar ng more challenging role gaya ng ginagampanan ni Ken Chan sa My Special Tatay.





Comments