Ilocos sur nilindol

NIYANIG ng Magnitude 4.7 na lindol ang Ilocos Sur, kahapon ng madaling-araw.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), alas-4:51 ng madaling- araw nang ma-monitor ang lindol sa layong dalawang kilometro ng hilagang-silangan ng bayan ng Silay.
May lalim na 100 kilometro ang pagyanig na tectonic ang origin.
Batay sa tala ng Phivolcs, may instrumental Intensity 2 na na-monitor sa Vigan City.
Wala namang inaasahang pinsala o aftershocks kasunod ng paglindol.





Comments