top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

HOROSCOPE | MARSO 3, 2019 (Linggo)

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 3, 2019
2 min read

SA MAY KAARAWAN NGAYONG MARSO 3, 2019 (Linggo): Marami ang yayaman ng dahil sa iyo. Ikaw ay pinapayuhan ng iyong kapalaran na unahin mong paunlarin ang buhay mo.

ARIES (Mar. 21-Apr. 19) - Huwag kang maguluhan nang dahil lang sa kinokontra ka ng ilan. Gawin mo ang gusto mo dahil hindi maganda na nakadepende ka sa opinyon ng iba. Ito ang mensahe para sa iyo. Ma­suwerteng kulay-beige. Tips sa lotto-9-10-13-27-31-33.

TAURUS (Apr. 20-May 20) - Maglinis ka ng bahay. Magugulat ka, lilinis din ang kapalaran mo at ang mga negati­bong nangyayari ngayon sa iyo ay magiging po­sitibo. Ito ang mensahe ng iyong kapalaran. Masu­werteng kulay-blue. Tips sa lotto-2-18-21-25-37-43.

GEMINI (May 21- June 20) - Magkunwari kang wala ka nang interes sa gusto mo. Sa ganito, ma­­wawala na ang mga kon­trabida sa buhay mo at da­hil kunwari lang naman, malaya mo nang magagawa ang gusto mo. Masuwer­teng kulay-black. Tips sa lotto-19-22-24-38-45-46.

CANCER (June 21- July 22) - Disiplina sa sarili ang ka­ilangan mo. Ito rin ang susi mo sa ta­gumpay. Ang iyong mga kalabisan ay alisin mo sa iyong buhay nang sa ga­yun ay magsimula na ang pag-asenso ng iyong kapa­la­ran. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-violet. Tips sa lotto-9-13-26-39-40-42.

LEO (July 23-Aug. 22) - Ha­rapin mo ang araw na ito nang may positi­bong pananaw. Sabihin mo sa iyong sarili na kailangan ang gabi para magkaroon ng bagong araw. Ito ang mensahe ng iyong kapa­la­ran. Masuwerteng kulay-peach. Tips sa lotto-16-19-20-28-31-33.

VIRGO (Aug. 23-Sept. 22) - Kapag may na­lagas na dahon sa sanga, ibig sabihin, may darating na bagong usbong. Ito rin ay nagsasabing huwag kang malungkot, sa halip, mag­saya ka kapag may nawala sa iyo. Masuwerteng ku­lay-red. Tips sa lotto-15-21-23-30-39-45.

LIBRA (Sept. 23-Oct. 22) - Isuot mo ang iyong pabori­tong damit, pero sa bahay ka lang da­hil ang iyong pampasu­werte ngayon ay ito mis­mo. Hin­di ipinapayo sa iyo na bumili ka ng bago. Masuwerteng kulay-brown. Tips sa lotto-4-11-13-26-38-42.

SCORPIO (Oct. 23-Nov. 21) - Linisin mo ang iyong puwesto kung saan ka may negosyo. Ang mga wala sa lugar ay ila­gay mo sa lugar. Ang mga gamit na hindi mo na kailangan ay itabi mo na. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng kulay-white. Tips sa lotto-3-18-21-28-39-41.

SAGITTARIUS (Nov. 22-Dec. 21) - Paking­gan mo ang pun­to ng mga taong nasa paligid mo. Sa maniwala ka o hindi, sila ang may magagandang pananaw kaysa sa sarili mo. Ito ang mensahe para sa iyo. Masuwerteng ku­lay-green. Tips sa lotto-2-16-17-20-21-24.

CAPRICORN (Dec. 22-Jan. 19) - Makipag­bati ka sa na­kagalit mo na hindi naman gumawa ng masama laban sa iyo. Ito mismo ang pampasu­werte mo. Masuwerteng kulay-yellow. Tips sa lotto-10-13-16-25-32-33.

AQUARIUS (Jan. 20-Feb. 18) - Magpa­raya ka! Sa pagpaparaya mo, tatanggap ka ng ma­lalaking suwerte kung kailan malulubos mo ang iyong kaligayahan. Ito ang mensahe ng iyong ka­palaran ngayon. Masu­werteng kulay-purple. Tips sa lotto-6-7-12-29-30-31.

PISCES (Feb. 19-Mar. 20) - Kumilos ka, hindi puwede na nakaupo ka lang ng matagal. Tumayo ka at maglakad-lakad. Sa biglang tingin ay walang kuwenta ang ganitong payo, pero ito mismo ang magdadala ng suwerte sa iyo. Masuwerteng kulay-pink. Tips sa lotto-7-15-26-29-30-44.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page