Ex-GF, after hiwalayan… KRISTOFFER, BITTER SA PAGPAPAKASAL NI JOYCE
- BULGAR

- Mar 3, 2019
- 1 min read

MARAMI ang nagtatanong kung wala bang closure ang paghihiwalay noon nina Joyce Ching at Kristoffer Martin, kaya may isyu na may gap sila at nag-iiwasang magkita?
Kasama sina Kristoffer, Derrick Monasterio at Bea Binene sa early part ng kuwento ng Dragon Lady kaya may pictorial sila na dapat ay kasama si Joyce Ching. Nabuo na sana ang reunion ng dating Tweenhearts cast ng GMA-7, pero sey ni Joyce, na-late siya at hindi nakahabol sa pictorial.
Nang mabalita namang engaged na si Joyce sa non-showbiz BF na si Kevin Alimon, halos lahat ng kasabayan niyang artista sa GMA Network ay nagpaabot ng pagbati sa social media except Kristoffer Martin.
Eh, ‘di ba’t siya ang nakipag-break noon kay Joyce Ching? Bakit parang siya pa ang bitter?





Comments