Driver at pahinante niratrat, utas

DEDBOL ang truck driver, gayundin ang kanyang pahinante nang ratratin ang kanilang sinasakyan sa Sirawai sa Zamboanga del Norte, Biyernes ng umaga.
Batay sa paunang impormasyon mula sa Police Regional Office 9, nagpaulan ng bala ng baril ang mga suspek sa trak na may lulang mga troso habang nasa bisinidad ng Sitio Labok, Bgy. Pisa Itom ang mga biktima.
Dead-on-the-spot ang dalawa sa mga sakay ng trak habang dinala na sa health unit ang tatlong iba pa na nasugatan sa insidente.
Narekober sa lugar ng krimen ang 21 piraso ng basyo ng M-16, pitong basyo ng M-14 rifle, fragmentation grenade at grand rifle magazine clip.
Patuloy nang sinisiyasat ng pulisya ang insidente.





Comments