Alvarez, balik-House Speaker | HIRIT NI SARA: PINATALSIK, ‘WAG NANG IBALIK

INIHAYAG ng PDP-Laban na muling sasabak sa pagka-Speaker ng House of Representatives ang kinatawan ng Unang Distrito ng Davao del Norte na si Congressman Pantaleon Alvarez.
Sa isang panayam kay dating Department of Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano, nilinaw niyang hindi siya nababahala o natitinag sa mga pahayag ng grupo ng PDP-Laban.
Matatandaang, noong isang taon nagbigay na ng basbas si Pangulong Rodrigo Duterte kay Cayetano at sinabi niyang siguradong magiging magaling na House Speaker si Cayetano.
Nagbitiw si Cayetano sa DFA noong Oktubre 2018 dahil gusto ni Pangulong Duterte na tulungan siya ni Cayetano sa Kongreso upang masiguradong maipapasa ang mga importanteng batas na magdudulot ng reporma sa bansa.
Samantala, tumugon naman si Mayor Sara Duterte-Carpio sa mga usap-usapang susubok ulit si Alvarez na masungkit ang speakership.
Iginiit ng anak ng pangulo na dapat ay pumili ng “best of the best” ang partido para sa House Speaker.
Ayon kay Sara, dapat paikliin ang listahan dahil masyadong mahaba at hindi na dapat suportahan ang naging speaker na pero, hindi naman naging matagumpay sa kanyang tungkulin.





Comments