top of page
BULGARY - SEN. ROBIN, MAY P150 M AMBAG SA PHIL. FILM HERITAGE, BUILDING ‘DI PA RIN NATAPOS

3 tow truck personnel, arestado sa pangingikil

  • Madel Moratillo
  • Mar 3, 2019
  • 1 min read

ARESTADO ang tatlongtow truck personnel na nangingikil umano sa mga biktima at nagbabantang ito-tow ang kanilang sasakyan.

Sa report ng San Juan City Police, kinilala ang mga suspek na sina Mario Ped, 46, residente ng Talipapa, Mindanao Avenue; Roberto Berberio, 46, ng Holy Cross St., Mindanao Avenue at Michaeal Tambo-Ong, 37,ng Carreon Village, San Bartolome, Novaliches, Quezon City.

Ayon kay San Juan CityPolice Chief Col. Ariel Fulo, si Ped ay pang siyam sa most wanted personalities ng San Juan City Police.

Ang tatlo ay naaresto ng tracker teams ng Station Intelligence Unit ng San Juan City Police sa loob ng MMDA impounding area sa Doña Julia Vargas Avenue, Pasig City matapos ang ilang buwang surveillance.

Batay sa datos, ang tatlo ay nakasingil ng P1,500 sa isang Rafael Gandionco matapos i-tow at i-impound ang motorsiklo nito.

Nagpapakilala umano ang mga ito bilang towing officer ng Fighter Towing Company, pribadong kumpanya na nag-o-operate sa Metro Manila.

Modus-operandi umano ng tatlo ay magpakilalang towing officer ng MMDA sa target na biktimahin at pagsasabihan ang driver sa umano’y parking violation nito.

Matapos ito ay hihingan ng P1,500 ang biktima at babantaang ito-tow ang sasakyan sa opisina ng MMDA.

Pansamantalang nakadetine ang tatlo sa San Juan City Police Custodial Facility.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page