3 karnaper pumalag sa pulis, dedbol

PATAY ang tatlo umanong karnaper matapos makasagupa ang mga awtoridad sa Bgy. Pob. Malvar, Batangas.
Alas-2:15 ng madaling-araw nang makorner nila ang pagtakas ng mga suspek na sina Mario Molino, isang alyas Tito at alyas Jr.
Bago ang engkuwentro, humingi ng tulong ang biktimang si Maynard Garcia, kaugnay sa pagtangay sa motorsiklo nito.
Sa agarang aksiyon ng kapulisan, nasakote nila ang mga suspek na nauwi sa barilan.
Duguang bumulagta ang tatlo habang narekober ang mga baril na ginamit at motorsiklong tinangay.





Comments