Wala raw GF, pero may lumitaw na nabuntis… KIM JUNG HOON, BUKING NA SINUNGALING, SHOW NILOKO
- Lee Vin Nia
- Mar 2, 2019
- 2 min read

NAGBIGAY na ng official statement ang agency ni Kim Jung Hoon hinggil sa akusasyon ng ex-girlfriend ng aktor na naisulat na namin dito sa K-Buzz.
Humingi muna ng dispensa ang agency na hindi agad nakapaglabas ng official statement dahil kinailangan muna nilang alaming mabuti ang buong pangyayari.
Narito ang nilalaman ng official statement na lumabas sa Naver and translated in English by Soompi:
“This is Creative Kwang. “After checking the contents of the complaints, we apologize for taking until today to release an official statement. After finding out about the woman’s pregnancy through an acquaintance, he told her multiple times that he would completely take care of all parts of raising the child if the baby was to be confirmed as his. However, peaceful conversations did not happen due to a difference of opinions.
“Kim Jung Hoon and his agency Creative Kwang will try our best so that this matter can be peacefully resolved. On the contrary, we will take every legal action if we believe that there is false information related to this issue.
“Finally, we sincerely apologize to the staff of “Taste of Dating” and to Kim Jin Ah who was hurt by this incident. We also apologize once again to everyone who was upset by this uncomfortable news.”
Tulad ng naisulat namin dito sa K-Buzz na lumabas last Feb. 28, kinasuhan si Kim Jung Hoon ng kanyang dating kasintahan dahil sa hindi pagbabayad sa kanya ng kanilang napagkasunduan.
Ayon sa ex-GF, kinumbinsi siya ng aktor na magpa-abort nang malaman nito na buntis siya at sinabihang ihahanap siya ng bahay na matitirhan at ito ang magbabayad ng rental.
Pero tumigil daw ng pakikipag-communicate sa kanya si Jung Hoon matapos siyang bigyan ng paunang halaga at hindi raw nito tinupad ang pangakong babayaran nang buo ang downpayment and monthly rental ng bahay.
Nagbigay din ng pahayag ang producer ng Taste of Dating na huling nilabasan ng aktor na tila dismayado sa kanya. Ang sabi raw kasi ni Kim Jung Hoon ay two years na siyang walang girlfriend.
Ang Taste of Dating ay isang variety/reality show sa South Korea na umere mula Sept. 2018 to Feb. 2019. Ayon sa Wikipedia, “This is a show whereby celebrities and non-celebrity dating for a 100 days dating contract. After 100 days, the couple will then decide whether if they want to continue dating or not.”
Isa sa mga participants si Kim Jung Hoon at nai-partner siya sa non-celebrity na si Kim Jin Ah.
Lumalabas nga naman na nagsinungaling sa producer ang aktor nang sabihin niyang he hadn’t dated for two years gayung may girlfriend pala ito.





Comments