Unang show ng aktor sa Kapuso… SERYE NINA KRIS, RAYVER AT THEA, BABU NA!
- BULGAR

- Mar 2, 2019
- 2 min read

NGAYONG Sabado (March 2) na ang must-see finale episode ng Asawa Ko, Karibal Ko at malalaman na kung ano ba ang mangyayari sa mga karakter nina Rachel (Kris Bernal), Venus (Thea Tolentino) at Gavin (Rayver Cruz).
Sa loob ng mahigit na apat na buwan ay nasaksihan ng mga televiewers ang nakakaintrigang kuwento ni Rachel na nagulo ang buhay nang madiskubre niyang ang karibal niya sa pag-ibig ay ang transgender niyang ex-husband.
Ayon kay Kris, talagang sobrang challenging for her portraying the character of Rachel.
“It’s really difficult for me to imagine that I really had a husband na transgender, kasi wala naman akong experience na ganu’n in real life, but then also I learned so much from them. Naiintindihan ko ‘yung buhay nila, mas naiintindihan ko sila ngayon kasi nagampanan ni Thea (Tolentino) nang maayos, mas nalaman ko ‘yung kuwento at pinagdaraanan nila,” sey ni Kris.
Ayon naman kay Thea, napakarami niyang memorable moments sa serye at nag-enjoy siya working with everybody especially the collaborative effort of the entire team.
“May times na ang hirap humugot, tapos ‘yung kailangan mong maramdaman sa eksena is ‘yung connection n’yo ni Rachel, namin ni Kris na dati ko siyang asawa. Kaya nagtutulungan kami sa set, si Direk Mark (dela Cruz), talagang naka-support sa amin. Kaya mas nagiging okay ‘yung kinalalabasan ng eksena,” pahayag ni Thea.
Si Rayver naman ay sobrang honored na mapasama siya sa serye.
“First show ko ito sa GMA, at sobrang naging comfortable ako kaagad. Napakaganda talaga ng project. Hindi ko makakalimutan ito, at kung puwede nga lang na sa next show ko, sila ulit ang makakasama ko. Memorable talaga at ang dami kong mami-miss. Blessed ako na maging part ng show,” sey ni Rayver.
Sa pagtatapos ng show, sumuko na kaya si Venus at tapusin na ang kanyang mga kasamaan?
Mapapatawad ba siya ni Rachel?
And will Gavin and Rachel finally have the happy ending they long for? ‘Yan ang dapat abangan sa finale episode ngayong hapon.





Comments