top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Taob pa ang presidente… PIA, BAWAL LAPITAN, WINAWALIS ANG MGA MAGPAPA-SELFIE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 2, 2019
  • 1 min read

Beth Gelena / BULGARY FILES

PINAGKUKUMPARA ang dalawang Miss Universe na nag­bigay ng kara­ngalan sa Pili­pinas — sina Pia Wurtz­bach at Catriona Gray.

Ayon sa mga netizens, mas ap­p­roachable si Catriona kesa kay Pia. Hindi raw marunong tumanggi si Cat­riona kapag may gustong magpa-selfie sa kanya. Si Pia raw, kaila­ngan pang mag­­paalam sa mga bodyguards na nakapalibot sa kanya.

Magkaibang-magkaiba raw ang dala­wang beauty queens kung makipag-deal sa kanilang mga supporters at followers. Mas madali raw pakisamahan si Catriona kumpara kay Pia.

Ramdam na ramdam daw ang kabaitan at sinseridad ng 2018 Miss Universe, lalung-lalo nang bumisita siya sa mga kabataan sa Tondo, Manila.

Kahit pagod daw ang current Miss Universe ay lagi pa ring may ngiting taglay.

Si Pia naman, halata raw kapag naka­karamdam na ng pagod. Nakikita na raw nila sa mukha ang pagkairita ng beauty queen-turned actress-host. At mahirap din daw lapitan ang 2015 Miss Universe para mag­pa-selfie dahil sa sobrang higpit ng security.

Katunayan, may nagreklamo na nga na daig pa umano ni Pia ang presidente ng bansa kung umasta ang mga security kaya hindi basta-basta nalalapitan. Kahit saan daw ito pumunta, OA ang mga security at may advance party pa. Talaga raw wina­walis ang mga gustong magpa-picture/ selfie sa beauty queen.

Si Catriona raw ay talagang mabait. Hindi kaya sa bandang huli magkaroon ng gap ang dalawang beauty queens dahil naapektuhan na ng pagkukumpara sa kanila?

Ang sa amin naman, kung naging mahigpit man ang security ni Pia noon, sinusunod lang ng mga ito ang utos sa kanila ng management ng beauty pageant. Pinapangalagaan din kasi nila ang kaligtasan ng ipi­nag­mamalaki nating Miss Universe.

 
 
 

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page