Sekyu binaril ng kapwa sekyu, dedbol

DEAD-ON-THE-SPOT ang isang security guard makaraang pagbabarilin ng kanyang kasamahang guwardiya sa Bgy. Gulod, Labac, Batangas City.
Alas-5:15 ng umaga nang maganap ang insidente sa kanilang pinapasukang trabaho.
Nasa loob ng banyo ang biktimang si Florante Aguilar, 42, ng Pallocan West, nang pasukin ng suspek na si Eric Radam, ng Bgy. Banaybanay, Lipa City, saka ito pinagbabaril.
Sinasabing may dati nang alitan ang dalawa kung saan inunahan ito ng suspek.
Patuloy naman ang isinasagawang pagtugis sa salarin.





Comments