Sarangani niyanig ng 5.1
Jeff Tumbado
Mar 2, 2019
1 min read

NIYANIG ng Magnitude 5.1 na lindol ang bayan ng Sarangani sa Davao Occidental.
Ayon sa Phivolcs, naganap ang pagyanig bandang alas 9:00 ng umaga, kahapon.
Naitala ang epicenter ng lindol sa 42 kilometers southwest ng Sarangani at may lalim na 175 kilometers.
Kaugnay nito, wala namang naitalang intensities sanhi ng nasabing lindol.
Hindi rin ito inaasahang magdudulot ng pinsala sa ari-arian at aftershocks.





Comments