Para sa gagawing pag-aaral | 5,000 KATAO PAPAYAGANG MAG-MARIJUANA
- Jersey Sanchez
- Mar 2, 2019
- 1 min read
PAPAYAGAN ang nasa 5,000 katao na gumamit ng marijuana bilang bahagi ng pilot studies para sa pagtatakda ng polisiya sa paggamit nito sa Switzerland.
Sa panukala, layong amyendahan ang batas na nagbabawal sa marijuana sa bansa mula pa noong 1951.
Ayon sa Federal Health Office, gagawin ang pag-aaral hanggang sa kalagitnaan ng taon, gayundin na hihingin ang opinyon ng publiko tungkol dito.
Batay sa datos, bagama’t, may kaukulang kaso na haharapin ang sinumang gagamit ng droga, nasa 200,000 katao ang gumagamit ng illegal cannabis sa naturang bansa.
Samantala, ayon sa pahayag ng gobyerno sa Switzerland, kailangan nilang sumubok ng bagong regulation models na tutugon sa sitwasyon.





Comments