top of page
Bea Alonzo - IG.jpg

Pag-exempt sa CPE program ng dental technologists

Writer: BULGAR
BULGAR
Mar 2, 2019
2 min read

Dear Chief Acosta,

Magandang araw! Matagal na akong nagtatrabaho bilang dental technologist at ako ay 60 years old na. Nais kong malaman kung mayroon bang batas na nagsasaad na maaari na akong ma-exempt sa Continuing Professional Education (CPE) program para sa mga dental technologist? — Ina

Dear Ina,

Para sa inyong kaalaman, ang batas na sumasaklaw sa inyong katanungan ay ang Section 29 ng Republic Act No. 9484 na mas kilala bilang “The Philippine Dental Act of 2007” kung saan nakasaad ang sumusunod:

“Sec. 29. Continuing Professional Education. - The PRC Board in collaboration with the accredited professional organization (APO), shall implement the continuing professional education among practicing dentists, dental hygienists and dental technologists in consonance with the guidelines of the Continuing Professional Education (CPE) council of the Commission. Exemption from the CPE program may be applied for upon reaching the age of sixty-five (65).” (Binigyang-diin)

Ayon sa nasabing batas, ang Board ng Professional Regulations Commission (PRC) at ang accredited professional organization (APO) ay nagpapairal ng Continuing Professional Education sa mga nagtatrabaho bilang dentista, dental hygienist at dental technologist, sang-ayon sa mga alituntunin ng Continuing Professional Education (CPE) council ng PRC. Maaaring mag-apply ng exemption mula sa CPE program kung ang aplikante ay umabot na ng animnapu’t limang (65) taong gulang. Sa inyong sitwasyon, maaari kayong mag-apply ng exemption mula sa CPE program kung kayo ay umabot na ng animnapu’t limang (65) taong gulang. Sa ngayon, hindi pa kayo sakop ng exemption na ipinaiiral ng batas.

Nawa ay nasagot namin ang inyong katanungan. Nais naming ipaalala sa inyo na ang opinyong ito ay nakabase sa inyong mga naisalaysay sa inyong liham at sa pagkakaintindi namin dito. Maaaring maiba ang opinyon kung mayroong karagdagang impormas­yong ibibigay. Mas mainam kung personal kayong sasangguni sa abogado.

Maraming salamat sa inyong patuloy na pagtitiwala.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page