P2.90 dagdag-presyo sa LPG

NAGPATUPAD ng malakihang dagdag sa presyo ng kanilang liquefied petroleum gas (LPG) ang Petron.
Sa abiso ng kumpanya, epektibo kahapon ng alas-12:01 ng hatinggabi ang dagdag na P2.90 kada kilo ang presyo ng kanilang cooking gas.
Nangangahulugan ito ng halos P32 na dagdag sa 11-kilogram cylinder ng LPG.
Ang auto-LPG din ng Petron ay tumaas ng P1.65 sa kada litro.
Samantala, ang Solane naman ay magpapatupad ng P2.60 kada kilong pagtaas sa presyo ng kanilang LPG.
Ang pagtaas sa presyo ng LPG ay dahil sa pagtaas ng international contract price para sa buwan ng Marso.





Comments