top of page
BULGARY - SERYE NI COCO, INIREKLAMO SA MTRCB, TULOY PA RIN-IG _dreamscapeph.jpg

Malinaw ayon sa birthday... BEBOT NA NAKATAKDANG MAGKAROON NG PANIBAGONG LOVE LIFE

  • Writer: BULGAR
    BULGAR
  • Mar 2, 2019
  • 2 min read

Dear Maestro,

May boyfriend ako ngayon, ang problema, ma­gulo ang aming relasyon dahil palagi kaming nag-aaway.

Mahal ko siya, kaya lang, kung palagi na lang kaming ganito, paano naman kami liligaya?

Tama ba ang naiisip kong makipag-break na lang sa kanya at maghanap na lang ako ng bagong boyfriend?

Kung maghahanap ako ng bagong boyfriend, sinu-sino ang mga ka-compatible ko? December 12, 1994 ang birthday ko at August 28, 1993 naman ang birthday ng boyfriend ko.

Umaasa,

Weng ng Hermosa, Bayambang, Pangasinan

Dear Weng,

Tama ang iniisip mo, kung hindi ka na masaya sa relasyon ninyo ng boyfriend mo dahil nga palagi ka­yong nag-aaway, bakit ka naman magtitiis at magpa­pakamartir pa?

Dagdag pa rito, ikaw din ang dapat magpasya, ayon sa iyong ikaliligaya. Siyempre, tama lang na makipag-break ka na sa boyfriend mo dahil sadyang hindi com­patible ang zodiac sign mong Sagittarius na nagta­taglay ng elementong fire o apoy sa zodiac sign na Virgo ng boyfriend mo na may elementong earth o lupa dahil ang pagsasama ng “lupa at apoy” ay hindi maganda para sa inyong kapalaran.

Gayundin sa Numerology, ang birth date mong 12 o 3 (ang 12 ay 1+2=3) ay hindi suweto sa birth date na 28 o 1 (2+8=10/ 1+0=1) ng boyfriend mo, kaya kung magtitiis ka sa kasalukuyan ninyong relasyon, sa ban­dang huli ay wala rin itong patutunguhang maganda.

Upang lumigaya ka sa susunod na pakikipagre­lasyon, hanapin mo ang mga lalaking Leo, Aries o kaya ay kapwa mo Sagittarius na may mga birth date na 9, 18, 27, 6, 15, 24, 3, 12, 21 at 30, sa piling ng nasabing lalaki, walang duda, habambuhay ka ng liligaya.

Ayon sa iyong Love Calendar, Weng, kung maki­kipag-break ka na sa kasalu­kuyan mong boyfriend, wa­lang duda, isang lalaking isi­nilang sa buwan ng Hunyo ang makarerelasyon mo at sa lalaking nabanggit na medyo kayumanggi ang kulay ng balat, tulad ng na­ipaliwanag na, ngayong 2019, sa buwan ng Agosto o kaya ay Nobyembre, sa edad mong 24 pataas, may pangako ng maligaya at panghabambuhay na pag­sasama sa iyo hatid ng la­laking may initial na R.R.

Comments


Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page