Holdaper todas sa parak

PATAY ang isang holdaper matapos umanong manlaban sa kapulisan sa Bgy. Pansol, Calamba City, Laguna.
Pasado alas-12:00 ng hatinggabi nang isinagawa ang follow-up operation ng mga awtoridad laban sa hindi pa nakikilalang suspek kaugnay sa paghoholdap nito sa biktimang si Bernadette Reyes, 40, ng Bgy. Canlubang.
Ayon sa biktima, pasado alas-11:00 ng gabi habang nag-aabang siya ng masasakyang jeep nang holdapin ng suspek.
Tinangay nito ang kanyang bag na may cellphone, mga ID at cash.
Agad siyang nakahingi ng tulong sa pulisya na mabilis na umaksiyon.
Naispatan nila ang suspek at sa halip na sumuko ay agad umanong bumunot ng baril at nagpaputok sa kanila kaya gumanti naman ang mga awtoridad na ikinasawi nito.





Comments